^

Police Metro

Economic growth ng Pinas, bumagal - PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Economic growth ng Pinas, bumagal - PSA
Photos show an aerial shot of Quezon City.
The Philippine STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Iniulat nitong Biyernes ng Philippine Statistics Authority na naitala ng Pilipinas ang “new post-pandemic low” na 2.3% Gross Domestic Product (GDP) para sa second quarter ng 2026.

Ang talang ito ay tanda ng muling pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng bansa para sa nasabing quarter na mas mababa kung ikukumpara sa 2.8% GDP nitong unang quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon sa PSA, ilan lamang sa mga nakaimpluwensya sa nasabing tala ay ang Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; at maging ang edukasyon at manufacturing.

Inamin naman ng Palasyo na nag-slow down ang paglago ng ekonomiya ng bansa, dahil umano sa korapsyon at sa naganap na sigalot sa pagitan ng mga bansa sa Middle East.

Hindi pa rin lubusang nakababawi ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa matagal nitong paghina, matapos magsimulang bumagal ang paglago noong ikatlong quarter ng 2025, kasabay ng pagputok ng flood control scandal.

Umabot sa 7.2 percent ang inflation noong Abril, ang pinakamataas na antas sa loob ng tatlong taon.

GDP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with