^

Police Metro

5 kabaong na ipinakalat ay simbolo ng protesta — Goitia

Ludy Bermudo - Pang-masa
5 kabaong na ipinakalat ay simbolo ng protesta — Goitia
Abandoned coffins were left at Boy Scout Circle, Barangay South Triangle, and Welcome Rotonda in Quezon City, early Friday morning, Aug. 7, 2026.

MANILA, Philippines — Naniniwala ang makabayang grupo na kahit misteryoso pa ang limang kabaong na ipinakalat sa Metro Manila, ay malinaw naman ang mensahe na babala ito laban sa China at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CCP-NPA).

Ito ang sinabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia at ang mga kabaong ay simbolo ng protesta dahil­ puno na ang maraming Pi­li­pino na matagal nang si­nusubok ng Tsina ang pa­sensya.

“Hinaharas ang ating mga mangingisda, hinahad­langan ang ating Coast Guard at Hukbong Dagat, at hinahamon ang ating mga karapatan sa kabila ng umiiral na arbitral ruling.

Gayunman, diplomasya­, pagpipigil, at paggalang sa pandaigdigang batas pa rin ang pinili ng Pilipinas.

Ayon kay Goitia, hindi iisang pangyayari ang pinagmulan ng lumalalim na galit ng publiko kundi ang ma­tagal nang sunud-sunod na panggigipit ng Tsina sa West Philippine Sea at ang paulit-ulit na paghamon sa sobe­ranya ng Pilipinas.

Kinuwestiyon din ni Goitia ang paraan ng pag-uulat ng mga media outlet na aniya’y may pagkiling sa Tsina na sadyang nilabo o hindi ipinakita ang mahahalagang detalye o larawan ng mga kabaong.

Tungkulin ng media na ihatid ang mga katotohanan nang buo at patas, hindi ang hubugin ang pananaw ng publiko.

Kapag tila may impormasyong pinipiling ilahad o binabawasan, likas lamang na itanong kung kaninong interes ang pinaglilingkuran.

PROTEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with