^

Pang Movies

Junior actress, impakta sa totoong buhay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

ANOTHER santa-santita pala ang isang sikat at magaling na aktres na maamo ang mukha at malumanay kung magsalita kapag iba ang kaharap!

Iginapang ng kanyang manager ang aktres na ito. Sumikat at nagkaroon ng maraming projects sa TV at movies.

Eh nagkaroon ng malaking pagbabago sa namamahala ng kanyang career, kaya unti-unti siyang kumawala sa management niya!

Pero wait, ang pagiging mabait sa ibang tao eh taliwas pala ang ugali nito kapag kaharap ang staff ng dating management niya!

Impakta raw ang ugali na kung talakan at maliitin ang staff na tumulong at umalalay sa kanya eh basura pala ang tingin!

Ay another case of santa-santita pala si junior actress!

Mon, ayaw tumigil sa pagpapaseksi

PINAIIRAL pa rin sa sarili ng aktor na si Mon Confiado ang kasabihang, “Strike while the iron is hot!”

Eh sa loob ng mahigit na tatlong taon sa showbiz, lahat na yata ng roles eh nagampanan na niya!

Eh kahit nakasama na ni Mon ang malalaki nating artista at naging bida na rin sa mga pelikula, patuloy pa rin siyang gagawa ng VMX movies dahil nakikita niya rito ang mga kuwentong hindi puwedeng gawin sa mainstream! “Gagawa pa rin ako ng VMX kahit lumalabas na ako sa mainstream movies.

“May mga story sa VMX na dun ko lang nababasa. Mahalaga siyempre sa akin ‘yung story ng gagawin ko at sa VMX ko nakikita ang mga kuwentong ‘yun!” pahayag ni Mon sa bagong VMX movie niyang Modista with Micaella Raz.

Nakagawa na rin si Mon noon ng sexy movies under Seiko Films at iba pang independent producers noon. “Kaya naman hindi na bago sa akin ang paggawa ng sexy films. Basta kailangan ako at maganda ang kuwento, game tayo diyan!” sey ni Mon.

Streaming na ngayon sa VMX ang Modista at ang isa pang VMX movie na Haplos ni Milagros kasama ang dalawang male actors na alaga ng kontrobersiyal na talent manager na si Lito de Guzman na nahuli sa isang entrapment operation.

MON CONFIADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with