Team Philippines nadiskaril sa semis spot
MANILA, Philippines — Nadiskaril ang pagsampa ng Philippine men’s national football team sa semifinals ng 2026 ASEAN Championship-Hyundai Cup matapos matalo sa Thailand, 0-1, sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.
Si Waris Choolthong ang sumipa sa nag-iisang goal ng laban sa ika-84 minuto ng second half para sa pagtakas ng mga Thais sa mga Pinoy booters.
Nauna nang tinalo ng Nationals ang Laos, 4-1, na idinaos sa Vientiane.
Naitala ng koponan ang pinakamalaking agwat ng panalo laban sa Laos sa kasaysayan ng ASEAN Championship.
May siyam na puntos ngayon ang Thailand mula sa kanilang tatlong panalo para banderahan ang Group B, habang may tatlong puntos ang Pilipinas sa likod ng isang panalo at isang draw.
Dadayo ang mga Pinoy sa Kuala Lumpur para labanan ang mga Malaysian sa Sabado, samantalang haharapin ng mga Thais ang Myanmar team sa sarili nilang Rajamangala Stadium sa Bangkok.
Bukod sa Pilipinas, Thailand, Malaysia (6 points) at sibak nang Laos (0 points) kasama rin sa Group B ang Myanmar (6 points).
Nasa Group A ang Vietnam (7 points), Singapore (7 points), Indonesia (6 points) at mga talsik nang Cambodia (3 points) at Timor Leste (0 points).
- Latest























