Aktor, mabilis naramdaman ang panggagatas ng kapwa aktor
CONSISTENT ang isang guwapo at magaling na aktor sa pag-workout upang mapangalagaan ang katawan kaya marami pa rin ang nahuhumaling sa kanya!
‘Yun nga lang, double purpose pala kaya madalas sa gym ang aktor. Gusto niyang makakita ng gym mate na puwede rin niyang maging boylet!
Eh ayon sa aming source, meron daw nakilala ang aktor sa gym na guwapo at borta!
Naging chummy-chummy raw sila ng aktor. Pero hindi rin sila gaanong nagtagal!
Eh sabi ng source namin, nabuwisit na si aktor dahil madalas daw itong manghingi ng kung anu-ano! At napansin din ng aktor na ginagatasan na siya ng boylet kapalit ng katawan niya!
Upang hindi na maabuso, lumayas na sa gym na ‘yun ang aktor upang makaiwas na sa gym mate/boylet niya!
Heart, tinantanan ang pagiging pleaser
Bongga ang global fashion icon na si Heart Evangelista nang maging cover sa foreign magazine na Harper’s Bazaar Singapore na talaga namang looker ang dating with matching pa-boobs, huh!
Matapang din ang pahayag ni Heart sa interview sa kanya at hindi na raw siya “playing to please – she’s setting her own rules!” Panalo, ‘di ba?
Of course, Heart is not trying to please everybody sa ginagawa niya!
Trabaho ang ginagawa niya nang sa gayon eh meron siyang pang-shopping na hobby niya!
Caption nga ng Harper’s Bazaar SG kay Heart, “Miss Independent!”
Watch ninyo ang video shoot niya at talagang pasabog ito to the max pati suot ni Heart!
- Latest























