Nova Villa, klaro pa sa isip ang ginawa noon ni FPJ

Si Nova Villa ay itinuturing na isa sa mga pinakadakilang aktres na maraming ipapamana sa mundo ng comedy.
Sa kanyang pagbisita sa vodcast na Your Honor, ginunita ng 80 taong gulang na aktres ang mahalagang pangyayari sa kanyang karera: ang pagkakatuklas sa kanya ni Fernando Poe Jr., ang kinikilalang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Ayon kay Nova, nagkita sila ni FPJ nang samahan niya ang komedyanteng si Chichay sa Premiere Productions sa Caloocan City. “Nakita ako ni FPJ (Fernando Poe Jr.) sa canteen ng Premiere Productions. Nakaupo ako. Dito sa left side pintuan ng canteen, may gate na mahaba diyan. Kaya ‘pag bumubukas ‘yung pinto, ‘yung gate may pumapasok, para makakita ako ng artista,” kuwento ni Tita Nova na 15 years old lang noong panahon na iyon.
Mabilis daw ang mga pangyayari at in-offer-an daw siya agad maging artista sa isang cowboy project na ang titulo ay Daniel Barrion na bida si FPJ.
May 60 years na sa showbiz si Tita Nova at aktibo pa rin siya dahil sa comedy series na Pepito Manaloto. Ilang beses na rin siyang kinilala bilang best comedy actress sa mga sitcom na Chicks To Chicks, Abangan Ang Susunod Na Kabanata at Home Along Da Riles.
Rocco, lumabas sa kinasanayan!
Binago ni Rocco Nacino ang kanyang itsura sa pamamagitan ng line-up haircut para sa kanyang gagampanang papel sa bagong GMA action-drama na Hari ng Tondo.
Ibinahagi ng aktor na isa ito sa mga bagay na kinagigiliwan niya sa pagganap bilang kontrabida. Gayunpaman, dahil sa bagong look, ilang alok na proyekto rin ang kanyang tinanggihan.
Sa Hari ng Tondo, sobra raw ang pagiging kontrabida niya sa mga bida ng serye na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid. “Isa akong head ng syndicate na magpapahirap kina Dennis at Ruru. I’m enjoying the role. Sa mga ginagawa kong role ngayon, ine-enjoy ko ang kontrabida era ko.
“Of course, I would like to go back to doing leads. But the freedom to play around with characters, just to explore and be outside of your comfort zone, ‘yun ang nae-enjoy ko rito. As long as they remember me, that means I’m doing my job well.”
Bago ang Hari ng Tondo, bibida muna si Rocco sa Cinemalaya International Film Festival entry na Tirik.
Ariana, pahinga muna
Due to health reasons, magpapahinga muna si Ariana Grande after ng kanyang Eternal Sunshine tour sa London sa darating na Setyembre 1.
Ayon sa report ng Extra: “Ariana looks forward to finishing the tour and ending it on a high note, both healthily and happily, and then taking a much-deserved break from public-facing work and appearances, which has led to endless, ongoing public scrutiny.”
Tinurn down din si Ariana ang magbida sa Sunday in the Park with George sa West End kung saan makakasama niya ang Wicked co-star na si Jonathan Bailey.
Natapos naman niya ang pelikulang Focker-in-Law, na ipapalabas sa November 2026 with Robert De Niro, Ben Stiller, Dustin Hoffman and Barbra Streisand.
- Latest


























