DepEd nag-surveillance ng 115 lugar - COA
Walang lista, pero may budget…
MANILA, Philippines — Wala umanong isinumiteng listahan ang Department of Education (DepEd) sa panahon ng termino ni Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng ahensya ang 115 lugar na isinailalim umano nila sa surveillance operation.
Ito ang isiniwalat ni Commission on Audit (COA) Auditor Rodedick Wamil sa pagpapatuloy ng pagtestigo nito sa Senate impeachment court sa ika-12 araw ng paglilitis.
Sinabi ni Wamil na sa isinumiteng accomplishment ng DepEd na sumasaklaw mula Pebrero 20 hanggang Marso 30, 2023 ay kabilang sa mga karaniwang exhibits na napagkasunduan ng prosecution at defense panel.
Base sa isinumiteng report ng DepEd sa COA, kabilang dito ay ang P37.5 sa counter insurgency, pagpigil sa pang-aabuso sa recruitment ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga eskuwelahan, anti-illegal activities operations, anti-extremissm at terrorism programs.
Sa ilalim naman counter insurgency, inireport ang P2.47 milyong pagbili ng purchasing information, P2 milyon sa rewards, P2.805 milyon sa supplies at P2.1 milyong insentibo sa pagbiyahe na may kinalaman sa confidential operations.
Gayung nagsagawa umano ng 115 surveillance operations ang DepEd sa 115 lugar at 100% itong natapos ang implementasyon ng aktibidad pero walang mga naitalang mga lugar sa isinumiteng report sa Commission on Audit (COA).
- Latest




















