^

PM Sports

Barayong pasikat sa PJC race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasama sa nagpasikat sa karerahan noong Linggo ay ang dehadong Barayong nang manalo ito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ‘Head to Head’ (1on1) race na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas.

Ipinakita ng Barayong ang husay nito sa rematehan ng sipain nito sa meta ang liyamadong Advocacy, nagkaroon muna ng photo finish, dinesisyunan na nagwagi ang una.

Mabilis na kumaripas sa largahan ang Gueast Of Honor at Success Of Time kaya naman nagkaroon ng lutsahan sa unahan sa kaagahan ng karera, nasa malayong tersero na may apat na kabayong agwat ang Advocacy.

Patuloy ang mainit na bakbakan sa unahan ang Gueast Of Honor at Success Of Time sa kalagitnaan ng karera, nasa pangatlo pa rin ang Advocacy, pang apat ang My Jopay habang lumalapit na sa pang-lima ang Barayong.

Sa huling 150 metro ng karera sa rektahan ay abante pa rin ng dalawang kabayo ang Advocay pero nagpatuloy ng pagpalo ng latigo si jockey Angel Ralf Ramos kaya naman biglang umigkas si Barayong at sikwatin ang manipis na panalo sa tiyempong 1:29.2 minuto sa 1,400 meter race.

RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with