Rep. Leviste, ex-solon sinubpoena ng NBI sa ‘honeytrap scheme’
MANILA, Philippines — Nag-isyu na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating Rep. Jing Paras kaugnay ng umano’y P5 milyong “honeytrap scheme” laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na hindi nangangahulugan ang pagpapatawag ay may ginawang mali sina Leviste at Paras kundi bibigyan ng due process.
Inaalam ng NBI kung may iba pang opisyal ng gobyerno na maaaring target din sa “honeytrap scheme”.
Nag-ugat ito sa pagkakaaresto ng isang talent manager sa entrapment operation sa isang 5-star hotel sa Maynila na nagbunyag sa planong i-frame up si Recto sa modus na dalhan ng mga babae upang palabasin na kliyente at sapilitang pinagamit ang mga babae ng iligal na droga.
Kung hindi naman lulutang sina Leviste at Paras sa Huwebes ay tututok ang NBI sa mga ebidensyang makakalap nila.
“Anyway, there’s already the admission and confession of the subjects.That’s why they’re being subpoenaed to clarify what their participation really is”, paliwanag ni Matibag.
- Latest















