^

PM Sports

Watch Me Now pasiklab sa Odd/Even PHILRACOM race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi binigo ng Watch Me Now ang mga liyama­dista matapos nitong sikwatin ang panalo sa Odd / Even PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas kahapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Watch Me Now upang hawakan ang bandera pero nagpaiwan ang Mae Bell at Elena Bell, kaya nagkaroon ng bahagyang bakbakan sa unahan.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay umungos ng bahagya ang Watch Me Now, lumamang ng dalawang kabayo sa humahabol na Mae Bell at Elena Bel.

Papalapit ng far turn ay nagbadyang lumayo ang Watch Me Now subalit kinapitan ito ng Elena Bell na nasa tabing balya sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Lumabas ang tikas ng Watch Me Now pagsapit ng home turn dahil lumayo na ito sa mga katunggali kaya naman sa rektahan ay alam na ng mga karerista na mananalo ang kabayong kanilang tinayaan.

Ginabayan ni jockey JC Dela Cruz, tinawid ng Watch Me Now ang meta ng may pitong kabayo ang agwat sa pumangalawang Elena Bell, tersero ang Mae Bell habang pumang-apat ang Official Seal.

Nirehistro ng Watch Me Now ang tiyempong 1:25.4 minuto sa 1,400 meter race.

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with