Pampasaherong bus nahulog sa bangin
MANILA, Philippines — Isang pampasaherong bus ang nahulog sa bangin na kung saan ay himalang sugat at gasgas ang kanilang natamo, naganap sa Brgy. Villa Aurora, Bilar, Bohol, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng Bohol Police, nangyari ang sakuna, alas-2:00 ng hapon habang bumabagtas ang pampasaherong bus sa Loay-Carmen Interior Road, Brgy.Villa Aurora ng bayang ito.
Sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng problemang mekanikal ang bus bunsod upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito.
Kaya tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin ang bus sa kagubatan ng nasabing lugar.
Nagresponde ang mga tauhan ng Bilar Municipal Police Station (MPS), Bilar Fire Station, Bureau of Fire Protection Special Rescue Force, Tarsier 117 at iba pang rescue units.
Agad namang naiahon mula sa bangin ang mga pasahero at walang naiulat na nasawi sa mga biktima.
- Latest















