Matibag hayaang magpasabog sa VP Sara trial - prosec team

MANILA, Philippines — Hayaan si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na magpasabog sa nalalaman nito hinggil sa umano’y banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at maging kay dating Speaker Martin Romualdez
Ito ang sinabi ni House prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon sa gitna na rin ng iba pang mga isyu na nais pigain ng ilang mga senator judges kay Matibag.
Una nang sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano sa umano’y motibo ni Matibag sa pagbubukas ng kaso sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na inihost ng Pilipinas.
Si Cayetano ang nagsilbing Chairman ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) at ayon kay Matibag ay sisiyasatin nila ang posibleng irregularidad sa P10 bilyong insertions sa nasabing event.
Si Matibag ang huling testigo ng prosekusyon sa Article of Impeachment sa pagbabanta ni VP Duterte sa online press conference nito noong Nobyembre 23, 2024 kung saan sinabi nito na may kinontrata na siyang assassin para paslangin sina Pangulong Marcos, First Lady Liza at Romualdez sakali umanong may nangyari sa kaniya.
Ang nasabing kaso ay inimbestigahan ng NBI at inirekomenda ang pagsasampa ng kasong grave threats at inciting to sedition laban kay VP Sara.
Inihayag ni Ridon na inaasahang ipiprisinta ni Matibag ang kabuuang imbestigasyon ng NBI sa pahayag ni VP Duterte at idedetermina rin kung nagpapatuloy ang banta sa buhay ni Pangulong Marcos at maging sa mga miyembro ng kaniyang pamilya.
- Latest


















