House prosec, target tapusin ang VP Sara trial bago mag-Pasko

MANILA, Philippines — Target tapusin ng prosecution panel ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago sumapit ang Pasko.
“Ako, I am personally aiming before Christmas para masaya ang Pasko natin lahat,” sabi ni House lead prosecutor Batangas 2nd district Rep. Gerville Luistro, isang araw matapos na ianunsyo ng House prosecution panel na hindi na ito ipipresinta ang anim na testigo na nakalista para sa Article IV na tungkol sa umano’y grave threats at inciting to sedition.
Sa pahayag naman ni 3rd District Rep. Lorenz Defensor, isa sa miyembro ng prosecution panel na kung pahahabain pa ng defense panel ni VP Sara ang istilo ng mga ito sa teknikalidad sa paghahanap ng mga ito sa nagkamaling mga tuldok, kuwit, at petsa gayundin ang mga topographical error sa mga spellings ay malamang umabot pa ng Valentine’s Day ang paglilitis.
Sinabi ni Luistro na tama na ang timpla ng Article IV matapos na maiprisinta ang matitibay na ebidensya sa “assassination threat” ni VP Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.
Aniya, naisaad na ang matitibay na ebidensya sa banta ni Duterte sa buhay ng mga nabanggit sa pagtestigo nina NBI Senior Agent John Mark Calilung at NBI-BARMM Director Atty. Jeremy Lotoc; nagsagawa ng digital forensic sa video recordings at nag-imbestiga sa assassination ni VP Sara.
Inihayag naman ni Defensor na nakuha na nila ang matibay na ebidensya sa nasabing grave threats kaya hindi na kailangan pa ang testimonya ng karagdagang mga testigo dahilan malinaw na ang lahat na totoo at seryoso ang banta.
- Latest


















