^

Bansa

Magpakita sa trial, harapin mga akusasyon!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Hamon ng Palasyo kay VP Sara

MANILA, Philippines — Umapela ang Malakanyang kay Vice President Sara Duterte na humarap sa impeachment trial at komprontahin ang mga nag-aakusa sa kanya.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, dati nang sinabi ng Bise Presidente na handa siya sa trial at gusto ng “bloodbath”.

Dito aniya maipapakita kung ano ang kakayanan ni VP Sara para sumagot sa mga katanungan, para harapin ang kanyang mga testigo at mga testigong laban sa kanya. Karapatan aniya ito ng isang respondent, defendant at maski na rin ng isang akusado.

Ang pahayag ni Castro ay ginawa matapos padalhan ng summon ng Senate Impeachment court ang Bise Presidente para humarap sa Lunes sa pagdinig.

Hindi naman makumpirma ng defense team ni VP Sara kung dadalo ito sa Lunes, Hulyo 6.

Hinamon naman ni Castro ang mga ­abogado ng Bise Presidente na padaluhin sa impeachment trial ang kanilang kliyente kung sa akala nila ay inosente ito.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with