Bonoan gagawing state witness - Remulla

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hihingin niya sa Sandiganbayan na alisin na sa talaan ng mga akusado si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kasong plunder na may kinalaman sa P573 milyong kickbacks sa flood control projects.
“We already have a side agreement for the cooperation of former Secretary Manuel Bonoan to be a state witness, to be a cooperating witness. We will ask the court to discharge him as a respondent so he can testify for us as a state witness,” sabi ni Remulla.
Si Bonoan ay kapwa akusado sa kasong plunder sina Sen. Jinggoy Estrada, dating DPWH NCR Assistant District Engineer Denryl Caesar Sanchez Cortuna, DPWH NCR District Engineer Manny Bumagat Bulusan at DPWH NCR District Engineer Arturo Lombres Gonzales Jr.
Kapwa akusado rin si Bonoan sa dalawang kasong graft na may kinalaman din sa flood control mess.
Si Bonoan ay sumailalim sa hospital arrest sa PNP General Hospital sa Kampo Krame na inaprubahan ng Sandiganbayan Fifth Division mula noong Hunyo.
Binigyang diin ni Remulla na napakahalaga ng magiging testimonya ni Bonoan sa mga kasong naisampa at sa case buildup na ginagawa ng Ombudsman laban sa mga sangkot sa irregularidad sa flood-control projects sa gobyerno.
Kaugnay nito patuloy namang isinasagawa ng Ombudsman ang preli minary investigation kina Sen. Joel Villanueva at Sen. Francis Escudero hinggil sa flood control mess.
- Latest



















