Bagong US envoy sa Pinas, dumating na sa Maynila
MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng United States Embassy na dumating na sa Maynila si Lee Lipton, ang bagong US Ambassador sa Pilipinas, upang simulan ang kanyang tour of duty.
“Mabuhay and welcome back to the Philippines, U.S. Ambassador Lee Lipton! We look forward to your leadership as we continue to mark #USPH80 and #Freedom250. #FriendsPartnersAllies,” pahayag pa ng embahada sa isang social media post nitong Linggo.
Si Lipton ay itinalaga ni US President Donald Trump upang maging bagong ambassador ng Pilipinas noong Oktubre ng nakaraang taon.
Pinalitan niya sa puwesto si MaryKay Carlson, na naging US envoy sa bansa ng mahigit tatlong taon.
Si Lipton, na isang negosyante mula sa Florida, ay ang kauna-unahang non-career American diplomat na naitalaga sa Maynila.
Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang pagkakatalaga kay Lee ay isang magandang indikasyon dahil siya ay malapit na kaibigan ni Trump.
Nabatid na nagkausap na sina Romualdez at Lipton noong Mayo sa Amerika at tinalakay ang ilang mga pamamaraan sa pagpapatupad ng bilateral economic engagement, gayundin ang matagal ng alyansa ng dalawang bansa.
- Latest




















