^

Police Metro

Higit 25 tetestigo laban kay VP Sara trial

Joy Cantos - Pang-masa
Higit 25 tetestigo laban kay VP Sara trial
Vice President Sara Duterte on June 12, 2026.
Facebook/Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Kaugnay ng napipintong paglilitis sa Senate Impeachment Court ay asahan na umano na lalagpas pa sa 25 ang mga testigo na ihaharap ng prosecution panel laban kay Vice President Sara Duterte matapos matuklasan ang paglobo ng kayamanan kabilang ang mister na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Bicol Saro Partylist Rep.Terry Ridon, isa sa miyembro ng prosecution team ng Kamara, ang nasabing mga testigo ang magdidiin sa mag-asawang Duterte Carpio sa apat na Articles of Impeachment na iniharap ng Kamara.

“May mga lumutang na new evidence, so madaragdagan ang ating mga witness” pahayag ni Ridon, isang abogado kung saan nakatakda nilang ipatawag ang mga opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na may hawak ng rekord sa mga natuklarang ari-arian ng mag-asawang Duterte-Carpio na hindi naideklara sa kanilang State of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Sa LTO nakarehistro ang mga sasakyan ng mag-asawang Duterte-Carpio habang ang LRA naman ang may hawak ng rekord sa mga lupaing pag-aari ng mga ito.

Nabatid na maliban sa mga pinuno ng mga kinauukulang ahensiya ay ipatatawag din ng prosecution team sa witness stand ang mga may-ari ng naturang mga ari-arian kung saan ito binili ng mag-asawang Duterte Carpio

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with