Female star tinanggalan ng sustento ng pulitiko
Pinutol na raw ng isang mayamang pulitiko ang buwanang sustento sa isang female star na hindi na nakuntento sa ibinigay sa kanya ng ‘Diyos.’
Hindi lang naman si female star ang may daddy-daddy na rich. Pero ang pangit na ugali ni female star, aba, hindi man lang siya makapag-share ng biyaya sa mga malapit sa kanya, huh!
Kaya goodbye na si politician sa female star na maganda naman. Ang dagdag ng aming source, nabuking na yata ng misis ng pulitiko na kalandian ng asawa si female star na minsan ay pinasundan niya sa kanyang sariling bodyguards!
Hindi masyadong visible ngayon si female star. Looking for new sponsor siguro! Hahaha!
- Latest

























