Pastor tinodas ng tandem sa tubuhan
MANILA, Philippines — Binistay na bala at napaslang ang isang Pastor matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang dalawang armadong salarin sa taniman ng tubo sa Brgy. Biao, Binalbagan, Negros Occidental noong Lunes, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ni Binalbagan Police Chief P/Capta. Joelan Vinson, kinilala ang nasawing biktima sa pangalan lamang nitong Mario, 58 anyos, hacienda overseer at miyembro ng Lupon ng Barangay sa lugar. Siya ay isa ring aktibong pastor sa kanilang lugar na namamahala sa taniman sa hacienda.
Ayon sa imbestigasyon, habang abala ang biktima sa pagsusuperbisa sa mga magsasaka sa taniman na abala sa paggagapas ng mga damo sa tubuhan nang biglang sumulpot ang dalawang hindi nakilalang lalaki.
Armado ng cal. 45 pistol ay bigla na lamang ng mga itong pinaulanan ng bala ang biktima saka mabilis na nagsitakas matapos itong duguang bumulagta sa tubuhan.
Nagawa pang maisugod ng mga magsasaka ang Pastor sa pagamutan, pero idineklara nang dead-on-arrival sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest



















