^

Police Metro

ASAP XP ng ABS-CBN dinala sa Negros Occidental

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinagulat ng Negros Occidental nang dalhin ng ABS-CBN Studios ang ASAP XP sa Victorias City Coliseum kung saan nagtanghal ng back-to-back shows para sa pinamakalaking live entertainment events.

Mahigit 40 na ABS-CBN artists ang nag-perform sa tanghali at evening shows kung saan pinangunahan ito nina Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, at Jolina Magdangal, kasama sina Belle Mariano, Donny Pangilinan, at BGYO, habang ang Rock icon naman na si Bamboo ay nag-perform sa 7 PM show.

Ayon sa data ng ABS-CBN, base sa pagtaya ng Philippine National Police, nasa mahigit 6,000 katao ang dumalo sa 12 noon show habang mahigit 7,000 katao naman ang dumalo sa evening show dahilan para mapuno ang venue.

Nagpasalamat naman si Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel Benitez sa ASAP family.

Ang twin-show turnout ay nagpatibay sa lumalaking kakayahan ng Victorias City na mag-host ng malalaking pambansang produksyon at sa kasiglahan ng mga Negrense na manonood, na napuno ang coliseum mula tanghali hanggang gabi.

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with