^

Police Metro

Liderato ni Gatchalian, kinilala ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinilala ng Kamara ang liderato ni Acting Senate President at Pro Tempore Sherwin Gatchalian at umaasang mareresolba ang gusot sa Senado upang hindi ito makaapekto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni Deputy Speaker Paolo Ortega ng La Union na kung saan ay nag-isyu na ng pahayag si Speaker Faustino “Bojie’ Dy III sa pagkilala at pagbati sa pagkakaluklok kay Gatchalian matapos itong ihalal ng 12 Senador bilang Senate President Pro Tempore noong Hunyo 3 at ito rin ang acting Senate President.

Idineklara ang Senado na lahat ng posisyon ay bakante matapos na makabuo ng quorum ang 12 Senador na ginamit ang Supreme Court’s 1949 ruling sa Avelino vs Cuenco para hindi maparalisado ang Senado sa isinasagawang boykot ng grupo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.

Binigyang diin ni Ortega na maraming law schools, legal na mga institusyon, iba pang mga co-equal na sangay ng gobyerno na kinilala ang bagong liderato ni Gatchalian kabilang ang Malaca?ng at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos namang itong masangkot sa circus  o kaguluhan sa pulitika sa anila’y mistulang teleserye ni Cayetano.

Umaasa ang Kamara na ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga supporters ni Cayetano at ni Gatchalian ay maayos upang makapagpokus ang Senado sa konstitusyonal nitong responsibilidad kabilang ang impeachment trial.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with