20-anyos timbog sa P3.4 milyong shabu sa Dasma
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcment Agency (PDEA)-Cavite at Philippine National Police-Drug Enforcement.
Group Intelligence and Foreign Liaison Division ang isang binata sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Dasmariñas City.
Kinilala ang suspek sa alyas “Al”, 20-anyos, residente ng Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa PDEA, alas-3:15 ng hapon ng magkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek. Isang undercover operative ang nakipag-deal sa suspek at nang magpositibo ang drug deal at mag-abutan ng droga at marked money at agad siyang inaresto.
Narekober sa suspek ang may 500 gramo ng shabu na aabot sa halagang P3.4 milyon, mga drug paraphernalias, boodle money na ginamit sa operasyon at ang motorsiklo na gamit ng suspek.
- Latest



















