^

PM Sports

Lady Bulldogs inaabangan na sa UAAP Volley

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasentro na agad ang atensiyon ng lahat sa National University Lady Bulldogs hindi pa man nagsisimula ang UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na papalo sa second semester ng liga.

Lutang ang bagsik ng Lady Bulldogs sa mga laro nito sa 2024 Asian Women’s Club Volleyball Championship na ginaganap sa Chathai Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand kung saan nagawa nitong makipagsabayan sa matitikas na club teams.

Isa na rito ang panalo ng Lady Bulldogs kontra sa Hong Kong Volleyball League champions Kwai Tsing sa iskor na 25-16, 25-21, 25-22 sa classification round.

Nanguna sa naturang panalo si reigning UAAP MVP Bella Belen na kumana ng 16 puntos habang nagdagdag naman si opposite spiker Alyssa Solomon ng 15 markers.

Nauna nang pinataob ng Lady Bulldogs ang Saipa Club-Iran sa pamamagitan ng 25-19, 25-18, 19-25, 25-18 panalo sa preliminary round.

Pinahirapan din ng NU ang Nakhon Ratchasima-Thailand sa quarterfinals bago isuko ang 13-25, 21-25, 25-20, 25-22, 5-15 desisyon.

Kaya naman inaasa­hang mas lalo pang magiging mabangis ang Lady Bulldogs sa oras na simulan nito ang pagdepensa sa titulo sa UAAP.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with