^

Pang Movies

Yassi, ikakasal na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Yassi, ikakasal na!
Rep. Luigi at Yassi
STAR / File

Engaged na si Yassi Pressman.

“Our greatest adventure,” ang maikling mensahe ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luigi Villafuerte matapos ngang kumpirmahin ang kanyang engagement sa aktres.

Sa joint Instagram post nila noong Sabado, ibinahagi ng magkarelasyon ang series ng kanilang engagement photos, kung saan makikita rin ang engagement ring ni Yassi habang kapwa nakangiti ang dalawa, pero may luha ang actress sa isang video habang suot ang singsing.

Wala silang iba pang detalye tungkol sa proposal, pero buhos ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz. Kabilang sa mga agad-agad nag-congratulate ay sina Anne Curtis, Alex Gonzaga, Rayver Cruz, Jessy Mendiola, Charlie Dizon, Kim Molina, at marami pang iba.

Nag-umpisa ang ang kanilang relasyon noong 2024. 

Maaalalang muntik nang ikasal si Yassi sa businessman na si Jon Semira noong pandemic.

Pero hindi nagtagal ay napabalitang nag-break sila dahil diumano sa third party.

Pero sa isang shared post nila ay nilinaw nilang walang third party.

Nagsimula ang mga tsismis tungkol sa paghihiwalay ng dalawa nung nag-trend si Yassi matapos ang mga video niya sa anak ni PBBM na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at kay Cong. Luigi Villafuerte.

YASSI PRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with