^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn, nilantad ang dream home!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis at Jennylyn, nilantad ang dream home!
Dennis at Jennylyn

Sinimulan na ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang pagpapatayo ng kanilang sariling bahay.

Ipinost ng JenDen sa kanilang Instagram account kahapon ang mga larawan ng isinagawa nilang groundbreaking ceremony para sa kanilang dream home.

Makikita nga sa mga litrato na may hawak pa silang pala at parehong masayang-masaya habang naghuhukay ng lupa.

Caption ni Jen, “Family HO-me soon! #groundbreaking #newhome.”

Makikita rin sa larawan ang malawak na lupa na patatayuan nila ng kanilang bahay.

Binati naman ang mag-asawa ng fans and netizens sa bagong blessing na ito.

Jake, dinaan sa ABS ang sagot kay Dennis!

Ang daming naaliw sa post ni Jake Ejercito tungkol sa kanyang abs na idinaan niya sa biro.

Sa kanyang Facebook account ay nag-post ang aktor ng kanyang topless photo flexing his abs.

Caption niya, “May ABS pa ba?”

Siyempre, sa mga nakakaalam ng latest news sa showbiz, alam nilang related ang joke sa naging statement ni Dennis Trillo sa TikTok na “may ABS pa ba?” na ang pinatutungkulan naman ay ang ABS-CBN.

But it turned out nga na hindi pala si Dennis ang nag-post nu’n dahil na-hack ang kanyang TikTok account.

Natawa naman ang netizens sa joke ni Jake at syempre, na-happy rin sila sa pa-abs ng aktor.

Narito ang ilan sa comments:

“ABSolutely amazing!”

“Nilaro mo na naman”

“Ganyang ABS ang basa ko dun Kay Dennis Trillo eh, feeling ko ganyan tintanong niya eh hahaha.”

“It’s a YES for me.”

“Ahahhaah bongga. yes may ABS pa.”

Kim, binuking ni Ogie!

Wala si Kim Chiu sa Pilipinas nang mag-propose ang co-host sa It’s Showtime na si Ryan Bang sa girlfriend na si Paola Huyong dahil nasa Birmingham ito nang time na ‘yun para sa Kapamilya Kalayaan Karavan.

Kaya naman pagbalik niya sa show nitong Huwebes ay saka pa lang niya na-congratulate si Ryan.

“Ryan, congratulations, ikakasal ka na!” sey ni Kim sa co-host.

Tinanong din niya si Ryan kung kailan ang kasal at sey naman ng Korean host, “soon.”

Biro pa ni Kimmy, “binata ka na talaga!”

Tinanong naman ni Ogie Alcasid si Kim kung masaya siya para kay Ryan.

“Oo, super,” sagot ni Kim.

Sey naman ni Ogie sa co-host na tila may ibig sabihin, “happy din kami for you.”

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with