^

PSN Palaro

Cardinals sumosyo sa 2nd spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cardinals sumosyo sa 2nd spot
Kumolekta si reigning MVP Clint Escamis ng 19 points, 4 rebounds at 2 assists sa pagdagit ng Cardinals sa ikalawang sunod na panalo para sa 5-2 record katabla ang Letran Knights sa second spot sa ilalim ng St. Benilde Blazers (5-1).
STAR / File

MANILA, Philippines — Sumosyo ang Mapua University sa second place matapos pabagsakin ang Jose Rizal University, 88-81, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumolekta si reigning MVP Clint Escamis ng 19 points, 4 rebounds at 2 assists sa pagdagit ng Cardinals sa ikalawang sunod na panalo para sa 5-2 record katabla ang Letran Knights sa second spot sa ilalim ng St. Benilde Blazers (5-1).

Nagdagdag si Lawrence Mangubat ng 16 markers at may 15 at 13 points sina rookie Chris Hubilla at Cyrus Cuenco, ayon sa pagkakasunod.

Bumulusok ang Heavy Bombers sa 2-5.

Maagang nagposte ang Mapua ng 23-point lead, 42-19, bago tina­ngay ang 57-41 halftime advantage na muli nilang pinalobo sa 72-57 sa third quarter.

Nagtiyaga ang Jose Rizal at nakalapit sa 73-81 matapos ang three-point shot ni Shawn Argente sa 3:35 minuto ng fourth period.

Ngunit nagsalpak si Mangubat ng triple para muling ilayo ang Cardinals sa 84-73.

Sa ikalawang laro, tinakasan ng Emilio Aguinaldo College ang Lyceum ofthe Philippines University, 90-88, para tapusin ang dalawang dikit kabiguan.

Binuhay ng Generals ang kanilang tsansa sa Final Four sa pagtataas sa 3-4 baraha para tablahan ang Pirates na natikman ang pangalawang sunod na kamalasan matapos maglista ng three-game winning streak.

MAPUA UNIVERSITY

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with