^

PSN Showbiz

Gabbi, sinagot ang voiceover sa Japan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gabbi, sinagot ang voiceover sa Japan!
Gabbi Garcia
STAR / File

Biglang naging controversial ang magkarelasyong sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos dahil sa kakapusan daw ng etiquette habang nasa train sa Japan.

Ito ay matapos mag-record ng voiceover ang actress-host sa loob ng tren sa Osaka, Japan.

Nag-post kasi si Khalil ng isang TikTok video na nagpapakita kay Gabbi na nagre-record ng voiceover para sa Pinoy Big Brother habang sila ay nakaupo sa loob ng train.

At ito ang nag-trigger sa ilang netizens na tawaging “walang galang” si Gabbi dahil daw sa kanyang malalakas na boses habang nasa tren sa Japan.

Pero sumagot si Gabbi at sinabing “Guys, relax, literally 3-5 seconds lang HAHA at maingay din talaga sa train.” Modulated at nakalapit lang ‘yung phone sa’kin kaya malakas. Kung maka-react kayo, akala niyo naman nagsisisigaw ako sa tren,” sabi niya.

Ipinagtanggol din siya ni Khalil na binanggit na ang ibang mga pasahero ay nagsasa­lita rin ng malalakas. “Sana na-videohan ko rin ‘yung dagsaan ng mga teenagers papuntang Universal Studios na ang tataas ng boses. Kung maka-comment iba dito na nag-aral ng Japanese culture e. Cultured na kayo n’yan?” sabi pa ni Khalil.

Well, ang sensitive ng netizens ngayon, para bang ang perpekto nila.

GABBI GARCIA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with