Anne, bibida sa Remote

Pang-international ang target
“Officially rolling,” post kahapon ni Anne Curtis kalakip ang photo na may nakasulat na “We’re Open.”
Naka-tag sa nasabing Instagram story ni Anne si Direk Mikhail Red.
Remote ang tinutukoy ni Anne sa nasabing post.
Yup, may bagong pelikula ngang ginagawa ang nag-iisang Dyosa ng ‘Pinas, si Anne.
At makakasama niya rito sina John Arcilla, Sid Lucero, Ryza Cenon and Zeke Polina.
“So excited to be working with this actor,” sabi pa niya sa isa pang IG story na nakalagay ang photo habang rolling si John Arcilla.
Ang Evolve Studios na itinatag katuwang ng direktor na si Mikhail Red at ng Viva Films ang producer nito.
Isang thriller movie umano ang Remote.
Nakatuon ang Evolve sa mga de-kalidad na pelikulang may tiyak na genre at sa mga proyektong ginagawa sa pakikipagtulungan sa ibang bansa. Kaya asahang hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang Remote.
Anyway, from Shanghai ay dumiretso si Anne sa Paris para sa Paris Fashion Week.
Pero dumalo lang siya sa event ng ilang selected luxury brand like Tiffany & Company, Chanel and Gucci.
Pero kahapon ay nasa It’s Showtime na si Anne at naki-Meme dance challenge na.
Wow, asan kaya ang pahinga niya?
- Latest
























