Local heroes
Kay Justin Brownlee ang winning basket, pero si RJ Abarrientos ang tunay na bida na gumiba sa TNT sa kanilang 102-100 Game 1 win.
Sumiklab naman si Calvin Oftana at nagpakawala ng season-high 31 points and 10 rebounds sa kanilang 101-94 bounceback victory noong Game 2.
Sa Game 3, nagising sa pagkakatulog si Stephen Holt at pinangunahan ang early Ginebra breakaway na nagdala sa Gin Kings sa 116-102 triumph.
At local player pa rin ang biggest factor sa Game 4 ? sa katauhan ni Jordan Heading na kumamada ng 29 points sa kanilang 106-98 win.
Bago ang series, akala ng marami na Justin Brownlee-Chris McCullough showdown ang PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals.
So far, hindi import ang bida sa series.
Lumalabas na labanan ng locals. Ang tanong eh sino ang unsung hero or unlikely hero na magdadala ng kanyang koponan sa 3-2 series lead.
Bukas, 7:30 p.m., sa Smart Araneta Coliseum pa rin ang pivotal Game 5. Laban para sa go-ahead win. Laban para sa virtual twice-to-beat advantage.
Pero tama naman si coach Chot Reyes na walang single individual na kayang magdala ng kanyang koponan sa panalo.
“Winning a championship requires a collective effort, with every player embracing and executing their role,” ani coach Chot.
Pero meron lulutang gaya ng pagsiklab ni Abarrientos nung Game 1, ni Oftana nung Game 2, ni Holt nung Game 3 at ni Heading nung Game 4.
Sino ang lalabas ang tibay ng dibdib sa Game 5?
- Latest


















