Dalawang direktor, malala ang away sa pera!
Siraan nang siraan ang dalawang directors na ito na pera ang dahilan!
Naging magkatrabaho na ang dalawang directors na ito. Pero kapag kukumustahin mo kay director 1 (D1) si director 2 (D2), sasabihin ni D1 na hindi pa sila bayad sa trabaho nila pati na sa mga staff.
Eh kapag tatanungin si D2 kung kumusta sila ni D1, sasabihin naman nito na kinuha ni D1 ang lahat ng pera kaya wala siyang pera at need ng trabaho!
Hindi tuloy malaman ng nakakausap ng dalawang directors kung sino talaga ang may utang at kumita sa project na pinagsamahan!
Isumbong na lang sa Film Academy of the Philippines ang problema ng dalawang directors sa pera, huh!
Naku, money is the root of all (evil)!!!

Carlos at Chloe, malapit na ang kasal!
Hayan, wala nang kawala si Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa girlfriend niyang si Chloe San Jose.
Alam naman ninyo ang controversial na relasyon nina Caloy at Chloe lalo na nung naging gold medalist si Caloy, huh!
Heto ang latest sa dalawa, naganap na ang kanilang pre-nup shoot at todo post si gurl sa kanyang Instagram recently, huh!
Ano kaya ang laman ng agreement? Hahaha! Meron bang pre-nup agreement?
Abangan na lang ninyo ang kasal ng controversial couple at kung sino ang invited at uninvited!
- Latest























