^

Police Metro

VP Sara, wala pang desisyon kung tatakbo sa 2028 presidential race

Mer Layson - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
VP Sara, wala pang desisyon kung tatakbo sa 2028 presidential race
Vice President Sara Duterte gives a speech during the Philippine Councilors League-Iloilo Chapter year-end assembly at SMX, Davao City.
Facebook/Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Wala pa umanong desisyon si Vice President Sara Duterte kung tatakbo nga siya sa 2028 presidential elections.

Ayon kay VP Sara, masyado pang maaga upang magdesisyon ­hinggil dito.

Base rin naman aniya sa mga payo sa kanya, pagsapit ng Disyembre 2026 ay dapat na may desisyon na siya kung kakandidato o hindi sa pagka-pangulo.

Matatandaang sa kanyang mga pagbisita sa mga Filipino community sa ibayong dagat ay una nang sinabi ni VP Sara na seryoso na niyang pinag-aaralan ang pagtakbo sa pampanguluhang halalan sa taong 2028.

Samantala, tiniyak ni Sara na pinaghahandaan na ng kanyang legal team ang napipintong pagdaraos ng pagdinig laban sa impeachment complaint na kanyang kinakaharap sa Senado.

Ayon kay VP Sara, bago pa man maganap ang pag-aresto sa kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay nabuo na ang legal team na hahawak ng kanyang impeachment.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with