^

Pang Movies

Artes sinagot kung ba’t walang masyadong pambata sa MMFF!; basurang pelikula wala na!

Salve V. Asis - Pang-masa
Artes sinagot kung ba’t walang masyadong pambata sa MMFF!; basurang pelikula wala na!
Chair Artes

MANILA, Philippines — Umpisa na ang bakbakan sa takilya ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival.

Pero magsimba muna bago sumugod sa sinehan.

Action, comedy, drama, fantasy, horror, musical, romance, at thriller ang ilan lamang sa maraming genre na inaalok sa 50th anniversary MMFF ngayong taon umpisa ngayong Pasko.

Ang romantic comedy na My Future You ay rated G at angkop para sa lahat ng manonood.

Ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda na And the Breadwinner isat Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, na mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, ay rated PG (ang mga batang edad 13 at pababa ay kailangang kasama ang magulang o nakatatanda sa sinehan).

Rated PG din ang mga pelikulang Espantaho nina Judy Ann Santos and Lorna Tolentino; Hold Me Close (Julia Barretto and Carlo Aquino); ang action-adventure na The Kingdom kasama sina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual; at ang musical na Isang Himala, mula sa direksyon ni Pepe Diokno at sa panulat nilang dalawa ni Ricky Lee.

R-13, o para lamang sa edad 13 at pataas, ang horror na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital starring Enrique Gil and Jane de Leon.

Ang pelikulang Uninvited na pinagbibidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach at Nadine Lustre ay rated R-16 dahil sa matinding tema at maseselang eksena.

Ang Topakk o Triggered sa ibang bansa, ay may dalawang version at tumanggap ng R-16 at R-18.

Ayon kay MMDA / MMFF Chair Don Artes ang ganda ng feedback sa 10  pelikula. “Wala na ‘yung nagsasabi na basura ang mga pelikula tulad noong mga way way back. Kasi sa tingin ko naman, nabalanse na natin ‘yung commercial aspect and artistic aspect, ang mga producer natin nag-level up na, pinaghahandaan nilang mabuti  ‘yung MMFF.

“In fact, may mga producer akong nakakausap na naghahanda na rin sila for 2025, so ganun na  ‘yung kumpetisyon at pagtaas ng kalidad ng mga pelikulang gustong sumali sa MMFF,” paliwanag ni Chair Artes nang makausap namin sa ginanap na Konsyerto sa Malacañang Para sa Pelikulang Pilipino kamakailan.

Dahil 50th anniversary ng MMFF, umaasa silang masu-surpass ang kinita ng MMFF last year na mahigit isang bilyon.

“Nagho-hope kami na ma-surpass ‘yung last year. Pero ako personally, mas gusto ko kesa ma-surpass ‘yung kita last year, mas gusto ko na kumita lahat ng pelikula, na walang maiwan.

Meron po bang number of days sa mga sinehan ‘yung mga hindi gaanong pipilahan o kulelat sa first and second day?

“We can assure na if ever na magbawas ng pelikula sa mga hindi gaanong tinatao, hindi sila mawawalan ng cinemas and gradual  ‘yung pagbabawas sa particular area, kung kayang i-accommodate, we’ll make sure na meron silang butas sa mga sinehan,” sabi pa ni Chair Artes sa aming interview.

Mataas ang expectation ng lahat dahil : “Lahat quality, lahat star-studded, so talagang maipagmamalaki ang line-up na ito, so far this is the best line-up. Line-up, hindi ‘yung individual movie. Collectively, this is so far the best line up ng MMFF.

Pero bakit walang masyadong pambata this year sa mga kasaling pelikula? “Wala kasing nag-submit na pambata talaga, purely pambata, fantasy, wala po eh. We try to balance it naman for commercial purposes din para sa genre na pambata, pero wala rin kasing nag-submit ng pambata.

May possibility kaya ng summer filmfest para naman ma-accommodate ‘yung mga pelikulang nalaglag sa 10 official entries?

“We’ll plan it out, medyo busy pa lang kami ngayon dito, lalo na sa Awards Night (Dec. 27). We want to make it grand talaga. Siguro immediately after that, first week of January magme-meet siguro kami ng executive committee, we’ll decide. Pero more likely meron.

“Kasi sayang naman ‘yung mga pelikulang hindi nakapasok, 26, dun pa lang may makukuha nang 8 to 10, and I’m sure may mga pelikulang bagong pino-produce ngayon na ‘pag nalaman lang may summer film festival pipilitin nilang makasali,” pagtatapos ng punong-abala sa MMFF.

Nabanggit din ni Chair na invited si Pangulong Bongbong Marcos at si First Lady Liza Marcos sa gaganaping Gabi ng Parangal sa Grand Ballroom ng Solaire (South), pero depende pa aniya sa schedule ni PBBM at FL.

Ang MMFF ay tumatakbo mula Dec. 25 hanggang Enero 7, 2025.

Maligayang Pasko sa ating lahat.   

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with