Letran, San Beda laglagan sa huling puwesto sa playoffs

MANILA, Philippines — Maghaharap ang Letran at San Beda University sa isang krusyal na laban para paglabanan ang huling puwesto sa playoffs ng Pool A sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila Biyernes.
Swak sa ikalawang round ang wala pang talo at kasalukuyang kampeon na National University, apat na koponan sa grupo ang pumupuntirya ng ticket pa sa huling biyahe ng bus sa susunod na phase.
Parehong nais bumalik sa winning track, maghaharap ang Lady Knights at Lady Red Spikers sa ala-1 ng hapon sa bakbakang itinataguyod ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R&B Milk Tea.
Nakaraan lamang ay nakalasap ng kabiguan ang reigning NCAA champion Letran laban sa NU, 21-25, 14-25, 19-25 kaya bumaba ang kanilang kartada sa 1-1 win-loss record na nagtabla sa kanila sa University of Perpetual Help System DALTA.
Para sa San Beda nasayang ang 2-1 set bentahe nila kontra Lady Altas matapos silang kapusin at makalasap ng pagkatalo, 30-28, 19-25, 25-23, 17-25, 14-16, nakaraang Sabado.
Kaya naman nalaglag ang SBU sa 0-2 kartada na nagtulak sa kanila sa bingit ng eliminasyon.
Samantala, pakay ng Lady Bulldogs na walisin ang group stage sa pagharap nila sa Perpetual sa alas-5 ng hapon, nilista ng five-peat-seeking ang tatlong panalo kung saan ay hindi man lang nakatikim ng talo kahit isang set.
Pero para kay head coach Norman Miguel hindi sila magko kumpiyansa laban sa Lady Altas.
“Honestly, ‘yan ang No. 1 na lagi ko nire-remind sa team na ‘wag i-underestimate ang skills ng NCAA teams. I always tell them that they train hard too para manalo. Tumataas na ang level ng competition sa NCAA,” sabi ni Miguel.
- Latest






















