^

PSN Palaro

Beach volley teams pasok sa quarterfinals

Pilipino Star Ngayon
Beach volley teams pasok sa quarterfinals
Swak sa quarterfinals ang tandem nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa beach volley event ng 20th Asian Games.
POC Pool

NAGOYA, Japan — Umiskor ng magkatulad na panalo ang Alas Pilipinas women’s beach volleyball teams papasok sa quarterfinal round sa 2026 Asian Games kahapon dito sa Hekinan Ryokuchi Beach Court.

Winalis nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sina Sakura Ito at Mayu Sawame ng Japan, 21-17, 21-15, sa kanilang upakan sa Round of 16 patungo sa quarterfinals.

Nagmula ang ‘SiPons’ sa kabiguan sa Kazakhstan sa kanilang unang laro.

“Siguro iyon ang nagpatibay sa amin kanina kasi ‘yung from the past game namin, hindi talaga namin tanggap na ganun ‘yung nilaro namin,” sabi ni Rondina.

Isang ‘wake-up call’ naman para kay Pons ang nasabing pool-stage loss sa mga Kazakhs.

“Sometimes our biggest opponent is not on the opposite side of the court but what’s inside our minds, so maybe ‘yun ‘yung isang baon namin ngayon,” wika ni Pons.

Kagaya nina Rondina at Pons, swak din sa quarterfinals sina Khylem Harl Progella at Sofiah Shanine Pagara mula sa 26-24, 21-18 pagdomina kina N.L. Tsang at M.C. Wong ng Hong Kong.

“Nandun na po ‘yung skills namin, ‘yung tiwala na lang talaga sa sarili,” ani Pagara.

Itutuloy naman ni Progella ang maganda nilang tambalan ni Pagara para makapasok sa semifinals.

“Nandito kaming dalawa at lalaban kami hanggang kaya namin,” wika ni Progella sa kapwa niya University of Santo Tomas beach volleyball player.

Naniniwala sina Pagara at Progella na mapapaganda pa nila ang kanilang laro sa quarterfinals.

“Kailangan day by day iangat lang ‘yung skill na meron kami kasi maraming naniniwala, lalo na mga coaches, na kaya pa namin iangat kung ano ‘yung talent na bigay ni Lord,” sabi ni Pagara sa pagharap nila sa mga Japanese para sa semis spot.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with