Good news
Eala, Eala at Eala.
Well, why not? Mas gusto kong topic ‘yan kesa impeachment, baha at traffic.
Gaya ng favorite line ni chairman Pato Gregorio ng Philippine Sports Commission: Sports is good news.
Sa ngayon, si Eala ang good news from the Philippines.
Kaya pati ang New York Times, naglabas ng frontpage story at foto ni Eala this week.
At ang katas ng storya eh dehins sa kanyang panalo sa opening round ng US Open Championships.
Little Manila ang title dahil nakita nila kung paano nag-unite ang mga Pinoys sa New York kapag may laro si Eala.
Akala mo, siya ang hometown bet.
Minsan nga lang, tumataas ang kilay ng iba dahil alam mo naman ang mga Pinoy fans.
Maingay. Pero masaya.
Today ang third-round match ni Eala laban sa dabarkads niya na si Iva Jovic ng United States.
Win or lose, good news.
- Latest



















