Kuminga nasikwat ng Timberwolves
MINNEAPOLIS - Pumayag si free agent wing Jonathan Kuminga na pirmahan ang isang two-year, $12.4 million deal para maglaro sa Minnesota Timberwolves na may kasamang isang player option sa second season.
Inaasahang makakatulong si Kuminga sa Timberwolves bilang starting power forward kasama sina Anthony Edwards, LaMelo Ball, Jaden McDaniels at Rudy Gobert sa kanilang kampanya sa Western Conference.
Nagtapos ang relasyon ng 23-anyos na si Kuminga sa Golden State Warriors na kumuha sa kanya bilang No. 7 pick nang dalhin siya sa Atlanta Hawks kapalit ni center Kristaps Porzingis noong Pebrero.
Sa kanyang paglalaro para sa Hawks ay naglista si Kuminga ng average na 13.7 points na nakatulong para pumuwesto ang koponan bilang sixth seed sa Eastern Conference.
Nasibak ang Atlanta sa New York Knicks sa first round playoffs
Tinanggihan ng Hawks ang hinihinging $24.3 million team option ni Kuminga noong Hunyo na nagresulta sa kanyang pagiging isang unrestricted free agent.
- Latest
























