^

PSN Palaro

Philippines football team umentra sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Philippines football team umentra sa semis
Ang panalo ang nagdala sa mga Pinoy booters sa semis kung saan nakalikom ito ng anim na puntos para makuha ang No. 2 seed sa Group B.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Ginilantang ng men’s national football team ang Indo­nesia sa kanilang sariling teritoryo matapos itarak ang 1-0 panalo upang makapasok sa semifinals ng Asean Football Federation (AFF) Cup sa Surakarta, Indonesia.

Ang panalo ang nagdala sa mga Pinoy booters sa semis kung saan nakalikom ito ng anim na puntos para makuha ang No. 2 seed sa Group B.

Nanguna sa grupo ang Vietnam na may 10 puntos.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa semis ang Pilipinas sapul noong 2018 AFF Cup.

“The Philippines deserve to be in the semifinals for all they did in all games. We should have qualified before already, we didn’t because we missed a lot of chances, and today finally, it was on our side,” wika ni Philippine national team head coach Albert Capellas.

Bumida para sa Pinoy squad si Bjorn Kristensen na siyang bumanat ng nag-iisang goal ng Pilipinas sa ika-63 minuto ng laban via penalty kick.

Nabigyan ng penalty kick ang Pilipinas matapos ma­kakuha ng foul si Yrick Gallantes.

Sa kabuuan ay may isang panalo at tatlong draws ang Pilipinas sa group stage.

Mapapalaban ng husto ang Pinoy booters sa semis dahil makakaharap nito ang Thailand.

AFF

PINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with