^

PSN Palaro

FIVB Challenger Cup hahataw ngayon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang laro ang mag-bubukas sa 2024 FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Magtutuos ang Sweden at Belgium ngayong alas-5 ng hapon matapos ang banggaan ng Puerto Rico at Kenya sa alas-3.

Bukas naman lalabanan ng Alas Pilipinas ang Vietnam sa alas-6:30 ng gabi sa torneong inorganisa ng Philippine Natio­nal Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ra­mon “Tats” Suzara.

Ang FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup ay isang knockout tournament na nagtatampok sa walong tropang mula sa limang continental confederations na maglalaban para sa silya sa 2025 FIVB Volleyball Nations League.

Ang mga magwawagi sa knockout quarterfinals ang papasok sa knockout semifinals na magdedetermina sa mag-aagawan sa gold medal sa Linggo.

Kailangang talunin ng mga Pinay spikers ang mga Vietnamese papasok sa semis para sa tsansang mahablot ang tiket sa 2025 FIVB VNL.

Nagmula ang Alas Pilipinas sa makasaysa­yang pagkopo sa bronze medal sa 2024 AVC Challenge Cup noong Hunyo.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with