^

PSN Showbiz

Ellen, nagwalwal sa harap ng mga kababayan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ellen, nagwalwal sa harap ng mga kababayan
Ellen Adarna.
STAR/ File

Magulang Nanghinging sorry sa pari

Ayon sa ilang taga-Cebu na nagkuwento tungkol sa viral video ni Ellen Adarna, hindi lang daw ang aktres ang humingi ng paumanhin kundi ang Mommy daw nito.

Kaugnay ito sa nangyaring pagwawalwal ni Ellen sa BisNok Festival sa Dumanjug, Cebu noong nakaraang weekend.

Ang ibig sabihin ng BisNok ay Bisayang Manok na annual nilang pinagdiriwang doon.

Isa si Ellen sa mga special guests sa naturang fiesta kasama ang mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad.

Halatang lasing na lasing si Ellen dahil bago sila tinawag sa stage ay nakipagsaya pa ang aktres sa ilang kaibigan. Nagsasayaw at tumatambling pa siya roon.

Itinuloy pa ito ni Ellen nung nasa stage na siya kasama sina Kaye at Paul Jake.

Hindi na napigilan ang pagtatalak ni Ellen na kung saan ay nag-banter sila ni Kaye.

Napag-usapan pa nila kung nanligaw ba si Paul Jake kay Ellen, na hindi naman daw.

Pero humirit ang Ellen ng pareho raw sila ng ex na si John Lloyd Cruz ang tinutukoy.

Kaya lang nagtatalak na si Ellen tungkol sa mga pulitiko.

Pati ang Mayor ng Dumanhug, Cebu na si Mayor Efren ‘Gungun’ Gica ay tinalakan niya.,

Magkababata pala silang dalawa, kaya parang biro lang ang dating.

Kitang-kita sa video na natatawa na si Paul Jake habang dinadaot ni Ellen si Mayor Gica.

Inakyat na ito ng alkalde para sunduin na pababa. Pero talak pa rin nang talak si Ellen.

Kinabukasan ay nag-post na si Ellen na humihingi siya ng paumanhin sa ipinakitang asal.

Wala raw siyang maalala sa mga ginawa niya.

Ibig sabihin sa isa sa mga post niya; “Guys, pasensya na dahil kahapon, nag-tumbling pala ako. Wala akong maalala. Nandun ba kayo?”

Tila hiyang-hiya siya sa ginawa niya na sabi sa isa niyang post; “A night that everyone remembers but want to forget ahhaha. Ibaon na lang na sa limot shooo! Hahahah!”

Sabi ng ilang taga-Cebu na nagkuwento sa amin, nag-sorry daw ang Mommy ni Ellen sa parish priest doon. May sinabi raw itong baka karma na raw nila itong nangyari dahil sa motels na negosyo nila.

Kilala ang pamilya ni Ellen sa Cebu na nagma-may-ari ng chains of motel doon.Sa tingin ko naman walang masama sa nagnenegosyo ng motel, di ba?

JoshLia movie, Hindi napantayan ang unang reunion movie

Marami na ang nagtanong sa amin kung okay ba sa takilya ang pelikulang Always Yours, Never Mine nina Joshua Garcia at Julia Barretto na nagbukas noong nakaraang linggo.

Hanggang sa kahapon ay wala kasi silang inilabas na press release kung magkano ang box office gross ng naturang pelikula.

Ang lumabas lang na ipinost sa kanilang social media ay “showing in over 240 cinemas” na raw.

Nung nagbukas kasi ito noong September 30 ay may 210 cinemas ito.

Nagtanong-tanong kami sa ilang reliable source, ang nakuha naming figures ay naka-8M daw ang kinita nito sa first day of showing.

Sa second day daw ay naka-6M lang.

Ang sabi, as of Sunday, October 4 ay naka-50M na raw ito.

Malakas ito sa ibang pelikula o sa isang indie film.

Pero kung Star Cinema movie, lalo na’t JoshLia film, hindi nito naabot ang standard nila.

Kung pagbabasehan na ang reunion movie nilang Un/Happy For You na naka=-20.5M ang first day noong August 15, 2024, mahina ito di ba?

May balita pa nga noon na sa unang limang araw ay naka-150M na ito at umabot na sa 350 cinemas nationwide.

Hindi ko pa napanood, kaya ibinase ko lang sa kuwento ng ilang nakapanood na sobrang nahabaan daw sila sa pelikula.

Halos 2 hours daw ang itinakbo, kaya maaring nabawasan pa sila ng isang screening time.

Bukod pa riyan, wala naman kasing clamor na magsama sila ulit. Nagulat na lang tayo, biglang nag-decide ang Star Cinema na magsama sila uli sa isang pelikula.

Papasok na ngayon sa pangalawang linggo ang naturang pelikula.

Tingnan natin kung mababawasan na sila ng mga sinehan.

May ibang pelikula na kasing magbubukas.

Isa na nga rito ang indie film ng Dragon Entertainment Productions na Mantsa.

Bida rito ang talents ng Dragon na sina Shira Tweg at Khai Flores.

Isa sa nasa main casts ay si Gelli de Belen na medyo mainit na pinag-uusapan ngayon dahil nadawit siya sa mga hanash ni Dennis Trillo kaugnay sa isyu nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Sa premiere night nga ng Mantsa na ginanap sa Trinoma noong Lunes ay talagang umiiwas si Gelli sa mga gustong mag interview sa kanya.

Hindi na talaga siya nagsalita at hindi na nga tinapos ang pelikula, umalis na siya.

Nagpakita na lang siya sa red carpet na kung saan ay sinamahan siya nina Janice de Belen at Candy Pangilinan.

Tingnan natin kung makakatulong ang isyung ito sa ingay ng pelikula.

Samantala, patuloy pa ring malakas ang Forgotten Island ng Dreamworks.

Hindi ito gaanong malakas sa North America, pero dito sa atin ay palakas nang palakas.

Kahit nga ang COO ng TIEZA na si Mark Lapid ay tinotodo ang pagpo-promote ng naturang pelikula dahil para daw ito sa ating mga Pinoy.

Patuloy pa ring pinipilahan ang naturang pelikula. Kaya nung Sunday daw ay umabot na ito ng 186M pesos.

ELLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with