This time, sulit ang puyat.
Actually, two nights ang kinailangan ni Alex Eala para talunin si Jessica Pegula ng United States at kunin ang Mubadala DC Open title sa Washington.
The longest match dahil inulan sila nung Sunday at na-suspend ang laban. Pinanalo ni Pegula ang first set, 6-4, at lamang si Eala, 2-1, sa second bago nahinto ang laban.
At nung mag-resume kinabukasan, one-sided na. Swak kay Eala ang second set, 6-4, at ang third sa score na 6-0. Sa first meeting nila last year sa Miami, nanalo si Pegula in three sets.
“Flawless” ang sigaw ng WTA commentator para kay Eala.
Ang sabi naman ni birthday boy June Navarro, with due respect, “pegul (gulpi) si Pegula.”
Well, saludo tayo kay Pegula dahil kahit natalo, pinuri niya ang Pinoy fans na sumuporta kay Eala. Hindi niya sinisi ang rain delay or ang ingay ng Pinoy fans. Tinawag pa niya si Eala na isang “amazing player.”
Napaiyak si Eala sa pagkapanalo niya.
Dahil WTA 500 ito, maraming ranking points ang hinakot ni Eala kaya kasado na ang sampa niya sa Top 20 in the world.
Imagine, Top 20 na ang isang Pinay. Of course, Grand Slam title ang hangad ni Eala.
Or world No. 1.
Pero sabi nga ni PSC chairman Pato Gregorio, na lumaban din ng puyatan, “Nothing is impossible.”
- Latest






















