Cash aid sa 7.5 milyong mahihirap ipamamahagi na – DSWD

MANILA, Philippines — Umpisa sa susunod na linggo, sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng P2,000 cash assistance sa 7.5 milyong benepisyaryo ng pinalawak na Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) na mga poor, near-poor, at low-income households.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, inihayag sa tatlong kategorya ang mga benepisyaryo kung saan ang Group 1 ay binubuo ng 3.5 milyong Filipinos na naka-enroll sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program (WGP) at ang Group 2 ay 2.5 milyong indibiduwal na hindi kasama sa 4Ps pero tinukoy na poor at near-poor base sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ang Group 3 ay binubuo ng 1.5 milyong low-income Filipinos na may Social Security System (SSS) accounts.
“’Yung sa pangkat number one, as early as Tuesday tapos na ‘yan kasi ike-credit lang ‘yan. Ganun din next week tapos na ‘yung group 3. ‘Yung group number 2, sisimulan na natin yung manual payout, validation, and enrollment ng kanilang mga digital accounts. Starting next week also tatakbo na (ang monthly payout ng group 2),” pahayag ni Gatchalian sa joint press conference kasama ang Social Security System (SSS) at Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).
Ayon kay Gatchalian, isang beses lamang na makatatanggap ng P2,000 na ayuda ang mga benepisyaryo ng 4Ps at WGP habang anim na buwan naman na makatatanggap ang mga near-poor at lower-middle-income classes mula Hulyo hanggang Disyembre.
- Latest















