^

PSN Opinyon

‘Racist’ na Chinese media, hindi unggoy ang mga Pinoy!

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Galit na galit ang sambayanang Pilipino sa isang state-owned media ng China dahil sa kawalang respeto at walang pakundangang pagyurak sa ating lahi makaraang bansagan ang mga Pinoy na “unggoy”.

Sa serye ng mga inilabas na op-ed videos sa social media at editorial cartoon ng China Daily, patungkol sa 2016 South China Sea Arbitral Tribunal, inihalintulad nito ang mga Pilipino sa isang animal partikular ang pagiging monkey.

Dahil dito, agad na umalma ang Pilipinas sa mapanglait at racist na op-ed videos at editorial cartoon.

Sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, agad na naghain ng pormal na protesta ang pamahalaan laban sa nasabing media outlet.

Agad ding harapan na kinausap ni Foreign Affairs Usec. Leo Herrera-Lim si Chinese Ambassador Jing Quan noong Hulyo 16 para sa nasabing matinding pag-alma ng Philippine government sa mapanirang mga videos na naipalabas noong Hunyo 10.

Sa statement ng DFA sinabi na - “The Department of Foreign Affairs has formally protested China Daily’s racist depiction of Filipinos in a series of op-ed videos and editorial cartoons on the 2016 South China Sea Arbitral Award, particularly a video the state-owned outlet published on its Facebook page on 10 July 2026,”

Sigaw ng DFA at mga netizens, dapat tanggalin at burahin ang nasabing materyal na napanira at nakapanliliit para sa lahat ng mga Pinoy.

Bilang aksyon pa ng gobyerno, pinadalhan na rin ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ng liham ang China Daily para tanggalin ang nakakainsulto, mapanirang content na magpakita ng diskriminasyon para sa mga Pinoy sa buong mundo.

  

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with