^

Probinsiya

Taga-Quezon City natagpuang patay sa Batangas

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa kahabaan ng bypass road sa Barangay San Francisco, Lipa City, Batangas nitong Lunes ng umaga.

Kinilala lamang ng pulisya ang biktima na si alyas “Jeff,” 41-anyos at nakatira sa Villa Nova Subdivision, Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Nadiskubre ng grupo ng mga joggers na dumaraan sa kalsada ang bangkay ng biktima na nakadapa dakong alas-7:50 ng umaga sa nasabing lugar. Mabilis nilang iniulat ang natagpuang bangkay sa mga ­barangay tanod, at kalaunan sa mga awtoridad ng pulisya.

Nakuha ng mga imbestigador sa lugar ang wallet ng biktima na naglalaman ng iba’t ibang identification card habang apat na piraso ng 9mm empty shell malapit sa crime site.

Nananatiling blangko ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa biktima at pagkakakilanlan ng mga salarin.

SALVAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with