^

Police Metro

VP Sara: Marcos remarks sa China, banta sa national security

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang pag-uugnay sa kaniya sa China bilang usapin ng pambansang seguridad, kasunod ng pahayag ni President Bongbong Marcos.

Ayon pa sa Bise Presidente, ­maaaring magkaroon ng seryosong epekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang pahayag ng Pangulo.

“At dahil diyan, binibigyang-katwiran ng Malacañang ang paggamit ng buong pwersa ng estado, kabilang na ang intelligence agencies at law enforcement agencies, na ako ay manmanan, gipitin, at tuluyang pabagsakin sa ngalan ng pulitika,” anang bise presidente.

Dagdag pa niya, malinaw rin aniya sa pahayag ng pangulo na para sa kanya, banta sa seguridad ng Pilipinas ang pakikipag-negosyo sa China.

 “Mayroon itong bahid ng babala sa mga negosyanteng Pilipino na nagne­negosyo sa China,” ayon kay VP Sara.

 “At higit sa lahat, ang pahayag ay tahasang nag-aakusa sa China ng panghihimasok sa internal affairs ng Pilipinas. Bagaman wala itong sapat na katwiran, isa itong mapangahas at mapanganib na hamon sa China — isang bansang may mahabang kasaysayan ng ugnayan sa Pilipinas. Seryoso ito. At maaaring magkaroon ito ng seryosong epekto sa ating relasyon sa China,” aniya pa.

Iginiit rin niya na, “Bigo si Bongbong Marcos na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Bigo si Bongbong Marcos na mapalakas ang ekonomiya ng bansa. Bigo si Bongbong Marcos na mapatibay ang ating mga institusyon. Bigo si Bongbong Marcos na tunay na mapagsilbihan ang mga mamamayan at maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa karahasan.”

Desperado rin aniya ang pangulo na pagtakpan ang korapsyon sa bansa habang nagpapatuloy pa rin ang mga kuwestiyonableng insertions sa national budget ng kanyang mga kaalyado sa politika.

Aniya pa, laganap pa rin ang kriminalidad sa bansa at kamakailan lamang ay muntik na namang makapasok ang tone-toneladang ilegal na droga sa Pilipinas.

Anang Bise Presidente,walang palatandaan na prayoridad ng pangulo na solusyonan ang mga problemang ito.

 

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with