^

PSN Showbiz

Niño, aapela sa revocation ng lisensiya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Niño, aapela sa revocation ng lisensiya!
Niño Muhlach

Nakatakdang dinggin ang kaso ng komedyante at Dabarkads ng Eat Bulaga na si Ian Red sa Land Transportation Office (LTO), dahil sa nahuli itong hindi nakasuot ang seatbelt habang nagmamaneho ng kotse.

Ang hindi pa maganda roon, nagba-vlog siya habang nasa kotse, at siyempre makikita ito ng netizens.

Ipinaliwanag ito sa amin ng Assistant Secretary ng LTO na si Markus Lacanilao.

Aniya, “Siyempre, meron tayong seatbelt law na bawal talaga ‘yung ginagawa nila, nagda-drive, tapos walang seatbelt, tapos bina-vlog mo pa.

“Ang masama dun highway ‘yun e. Bumaba pa siya ng sasakyan, at saka siya sumakay uli.

“Parang hininto niya ‘yung sasakyan. Hindi ko alam... hindi ko sure kung traffic, pero bumaba siya dun, nagbi-video, baba siya, saka sumakay.

“Ang ano ko kasi dun, siyempre, gumagawa tayo ng video. Tapos sila mga TV host, dapat maging example sila na hindi nila ginagawa ‘yun. Siyempre ang tao, lalo na ‘yung mga batang bago pa lang nagmamaneho, iisipin ‘ah okay lang, e sila puwede.’ E may batas e, seatbelt law.”

Sa ngayon ay suspended ng 90 days ang driver’s license ni Ian, at naka-warning daw ang kotse niya. Malalaman ito sa susunod na linggo kung ano ang magiging resulta ng hearing.

Nakausap naman namin si Niño Muhlach na ipina-revoke ang driver’s license nito ng dalawang taon.

Sabi ni Onin, balak daw niyang iapela ito at sabi naman ni Asec. Lacanilao, puwede siyang umapela.

Sabi ni Niño, hindi naman daw siya nasangkot sa road rage. Hinarap naman daw niya ang kaso at sinagot ang mga naapektuhan ng aksidenteng nilikha niya.

“Hindi ko naman tinalikuran. Pati nga pamasahe pa-China nung isa e, pinasagot pa sa akin. Ang sa akin lang, hindi naman ito road rage e,” himutok ni Niño.

Paliwanag naman ni Asec. Lacanilao, “Una, nag-issue kami ng show cause order dahil sa dami nga ng kanyang nabangga. Ang sabi niya, nakatulog siya... inararo niya ‘yun.

“Pero kasi sa pangyayari na ‘yun may mga violations. So, na-revoke namin ‘yung driver’s license niya.

“Ang LTO kasi, tatlo kasi ang ano niyang e: suspension for one year, revocation for two years, or perpetual revocation, lifetime ban ‘yun. ‘Yung sa kanya, revocation, two years.”

Ipinaliwanag sa akin ni Niño na nakatulog daw talaga siya sa biyahe, dahil wala pa siyang tulog, at tumuloy pa raw sa breakfast with Jeff Tam doon sa Antipolo.

Hindi niya binanggit kung lasing ba siya o kung ano pa. Aksidente lang daw talaga ‘yun.

Nag-base lang daw ang LTO sa isinumiteng report ng mga pulis.

Pero mas malalaman daw sana kung dumaan ang aktor sa breath analyzer.

Ani Asec. Lacanilao, “Pero ‘yung dahilan kung siya ay lasing... ang problema kasi dun, nung nangyari ‘yun ay ‘yung mga pulis na dapat na dapat nag-imbestiga, pina-breath analyzer siya.

“So, walang breath analyzer... pero puwede silang mag-request sa amin e. Pupunta kami, i-breath analyzer namin. Pero wala. Kung nagkataon na lasing siya nu’n, perpetual revocation.

“Nagbase lang sa police report na na-submit sa kanila. Humarap naman siya sa hearing.

“Cooperative naman siya. Sinurrender niya ‘yung driver’s license niya. Nakiusap siya... kaya lang ano e, may violation e. Inararo po e.”

Regine, may request sa mga nagre-record sa concert

Naging isyu ngayon sa mga concert ang pagre-record ng performance ng isang singer.

Umalma rito si Ice Seguerra na inayunan ng ilang mang-aawit. Pero samu’t-sari ang mga opinyon. Kaya hiningan namin si Regine Velasquez kaugnay rito.

Inaabangan kasi itong Finale concert ng Asia’s Songbird na nakatakda sa Oct. 17, 18 at 19 sa SM MOA Arena.

Marami pa ang gustong makabili ng tickets, kaya maaaring ang iba ay aasa na lang sa mga ipo-post sa social media.

Pero hindi pabor si Regine sa mga nagkukuha sa telepono habang nagpe-perform, kahit tanggap naman daw niyang hindi ito maiiwasan. “Perso­nlly, I don’t like it. Because one, the sound is awful. Two, The audience is different,” pakli ni Regine.

Dagdag niyang pahayag, “I really believe that internet audience doesn’t wanna be entertained. Because they’re actually judges.

“Judges wanna judge, they don’t really wanna watch. They do not want to be entertained. They just wanna judge you and wanna nitpick the performance.

“As a performer, I feel bad about it, you know. That shouldn’t be that way. A performance shouldn’t be judged, especially a live performance. You cannot compare live performance to a recorded one.”

Naging technical na ang suggestion ni Regine sa mga manonood na nagre-record sa telepono. “If you want perfection, listen to Spotify. Where you sound like a robot already.

“A live performance has adrenaline. You breathe. You have flats and sharps, but at the same time, you love with all those imperfections.

“Dun nanggagaling ‘yung feelings. Dun nanggagaling ‘yung puso. Doon mo nararamdaman kung ano ‘yung nararamdaman ng performer.

“It’s in those imperfections. Kaya siya live, kasi we’re human beings.

“Otherwise, like I said, makinig na lang kayo sa Spotify, ‘di ba?

“Or manood kayo ng mga performers na naka-plus one. Huwag kayong manood ng mga concerts na totoong live performers. Kasi that’s not fair. Hindi ganyan ang totoong performance, na ‘yung kino-correct, ‘yung inu-Auto-Tune,” sabi pa ni Regine.

Pero iba naman ang pananaw ng producer ng concert na si Cacai Velasquez-Mitra.

Kung ‘yun na raw ang kabuhayan ng iba, hayaan na lang.

Ani Cacai, “Sa akin kasi personally, ‘yun ‘yung experience na for them e. Sa totoo lang, maraming nanonood ng concert. Buhay ang OPM, buhay ang concert, kasi ginagawa nilang content.

“Mapapansin n’yo, right after, content siya sa TikTok. Ako, kasi kung kabuhayan nila ‘yun, okay lang.

“Kung pangkain nila ‘yun, pang-dinner nila, then okay lang. Huwag maging madamot. Pero nasa kanila na ‘yung limitations kung papa’no nila i-set ‘yung limitations nila kasi siyempre, may mga rights. Pero hindi ko alam ang mga rights rights sa TikTok e, ‘pag nag-upload ka. Kasi may mga rights ‘di ba? Hindi ko alam kung allowed ‘yan o hindi.

“But for me, kung sa tingin nila ‘yun ‘yung ikaluluwag ng buhay, then okay lang.”

 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with