Lalaking may tattoo pinatay, isinako
MANILA, Philippines — Isang hindi pa kilalang bangkay ng lalaki na nakagapos ang mga kamay at binti at tadtad ng tattoo ang nadiskubreng nakasilid sa sako sa Marilaque Highway, Baras, Rizal, Huwebes ng gabi.
Sa ulat ng Baras Municipal Police Station, dakong alas-6:40 ng gabi nang namataan ng isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sako na naglalaman ng katawan na hindi na gumagalaw, sa Palo Alto, Marilaque Highway, sakop ng Barangay Baras, Rizal.
Iniulat sa pulisya ni FO1 Mark Dominic Mitra sa Baras Police, ang natagpuang bangkay na nakasuot ng puting T-shirt, gray shorts, na may mga tattoo sa katawan, braso, at binti.
Isinugod pa sa ospital ng Emergency Response Team subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima.
Nagsasagawa na ng technical at follow-up investigation ang Rizal Provincial Field Unit para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at matunton ang mga suspek na responsable sa krimen.
- Latest




















