Charo Santos, social media darling

Kinabog ni Charo Santos ang ibang Gen Z sa social media—and judging by the comments, nag-e-enjoy ang netizens sa kanyang ginagawa.
At kamakailan lang ay sumali siya sa pinakabagong dance trend na I Want You Back ng NSYNC, na kinaaliwan ng social media users.
Ang saya ng mga comment – like “Hindi tumatanda!”; “Kaya makipagsabayan!” “Doesn’t look 70!”
And one description seems to be sticking: the new social media darling.
It’s a title Ate Charing seems to be earning one Reel at a time.
Kilala sa kanyang deka-dekadang TV and movie career, ipinapakita ni Ate Charing na kering-keri niya ang mga pagbabago sa showbiz at yakapin ang mga uso at gusto ng modern audience kumbaga.
At ang kanyang mga pakikipagsapalaran sa social media ay hindi natatapos sa mga uso sa sayaw.
Kinasabikan din siya sa microdrama na Rich Boyfriend’s Mom ??(RBFM), kung saan ginagampanan niya ang isang rich mom na determinadong paghiwalayin ang kanyang anak at ang jowa nito.
The series has become a fun addition to her online persona, with viewers following the story from episode to episode and enjoying her comedic timing and delightfully over-the-top character.
Ang nasabing performance nga ay naging joke na pwede siya sa Chinese microdramas, with one viewer declaring: “Mam Charo, puwede nang pambato sa Chinese drama!”
Mula sa pagiging kontrabida sa microdrama hanggang sa pagiging reyna ng mga mahilig sa dance trend, pinatutunayan ni Ate Charing na maraming bagong paraan para magsaya online.
And the audience is responding.
At ang malamang na sikreto sa kanyang social media appeal, she isn’t trying too hard to be “social media.” She’s just being Charo—and having fun.
- Latest





















