^

Pang Movies

Dasal ni Buboy sa ex, natupad!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dasal ni Buboy sa ex, natupad!
Angillyn Gorens at Buboy Villar

Answered prayers para kay Buboy Villar ang pagkakaayos nila ngayon ng ex-partner na si Angillyn Gorens.

“After po nu’ng nangyari po na ‘yun, pinagdasal ko na lang po talaga lahat. Sinurender ko na po kay Lord ang mga bagay-bagay. Merong isang araw, nasa taping po ako, nagkausap po kami, kausap ko ‘yung anak ko, si Vlance, and then biglang out of nowhere, kinuha niya lang ‘yung phone tapos gusto niya akong makausap,” kuwento ni Buboy.

Dagdag ni Buboy na nagkausap sila ni Angillyn at nagkapatawaran. Maganda raw ang nangyaring ito para sa kanya dahil matagal na niyang gustong magkaayos sila ng dating partner.

“May mga bagay na gusto natin kaagad mangyari, pero may mga bagay na kaila­ngan i-surrender mo rin. Hindi natin alam kung kailan siya mangyari. The perfect time and the perfect moment na nangyari po sa akin.”

Mas maganda na raw ang co-parenting setup nila ni Angillyn.

Dennis, kabaligtaran sa dating assignment ang ginagawa ngayon

Magpapakita ng bagong imahe si Dennis Trillo sa nalalapit na action drama na Hari ng Tondo.

Ayon sa aktor, sinisiguro rin nilang sila mismo ang nagsasagawa ng karamihan sa mga action sequence at hindi na gaanong umaasa sa mga stunt double.

Kabaligtaran ito ng kanyang dating “clean cut” na hitsura sa mga naunang serye tulad ng Sanggang-Dikit FR, Maria Clara, Ibarra, at Pulang Araw. Sa pagkakataong ito, mas rugged naman ang kanyang itsura.

“Ngayon siguro ‘yung pinakamaaksyon talaga. Nag-prepare kami talaga rito lahat ng mga action sequences. Ginagawa namin nang actual para makita nila na talagang pinaghihirapan namin bawat eksena,” sey ng award-winning actor.

Anak ni Matthew, umaarte na rin

Pinasok na rin ng 18-year old son ni Matthew McConaughey na si Levi ang acting at nagbigay siya ng advice rito.

“I worked with my son Levi a lot when we worked together and just the expectations and the rights that you have as an actor.

“What to look for, how to get out of a bind if you’re feeling too much tension or what have you, how to get out of trouble in a scene if you’re not relaxed and really letting it happen.”

Dagdag pa ng Oscar winner na maraming gustong gawin ang anak, pero ang pagiging aktor ang isa sa namana ni Levi sa kanya.

“It’s one of the things he’s doing. He’s got many interests right now, and he’s enjoying the level at which he’s able to do some acting right now amongst him in school and being a part of our family and some other things he’s got going musically.

“But as long as he’s interested in it and willing to put in the work to try to improve the craft and understand. I’m excited, he’s got a movie coming out this summer or fall, ‘Way of the Warrior Kid,’ which I’ve seen, and I’m very excited for that to be shared.”

BUBOY VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with