Alagang Kapatid, nakatanggap sa PT Cares!
Nakilahok ang PT Cares sa pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng Alagang Kapatid Foundation, Inc. (AKFI) sa TV5 Launchpad sa Mandaluyong kung saan muli nitong pinagtibay ang pangakong magbigay kapangyarihan sa mga komunidad sa pamamagitan ng makabuluhan at nagpapanatiling mga hakbangin.
Bilang isa sa mga pangunahing katuwang sa nasabing kaganapan, sinuportahan ng PT Cares ang EcoNanays, isang programang pangkabuhayan na nagbibigay pagkakataon sa mga kababaihan na matutunan ang iba’t ibang kasanayan tulad ng pananahi, upcycling at paglikha ng mga produkto gamit ang kamay.
Nagbibigay-daan ito upang kumita ng sustainable income habang itinataguyod ang responsableng pagkonsumo at kamalayan sa kalikasan.
Sa nasabing pagdiriwang, ibinahagi ng mga benepisyaryo ng EcoNanay ang kanilang mga kwento na nagbibigay-inspirasyon kung paano pinagbuti ng programang ito ang kanilang kabuhayan, pinalakas ang kanilang kumpiyansa at lumikha ng mas maayos na oportunidad para sa kanilang pamilya.
Nagpamahagi naman ng grocery packs ang PT Cares bilang bahagi ng kanilang pasasalamat at pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga benepisyaryo.
Kasama rin sa nasabing selebrasyon ang PT Cares brand ambassadors na sina MJ Ordillano, Kenneth Marcelino, Arriane Bantua, Jercy Raine Cruz at Sam Viktoria na ang kanilang presensya ay nagbigay-inspirasyon sa mga nagsipagdalo at nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagsuporta sa mga community-driven initiative.
Isa sa mga pangunahing itinampok sa pagdiriwang ay ang anunsyo ng PT Cares tungkol sa donasyong nagkakahalaga ng P1 milyon para sa Alagang Kapatid Foundation, na nagpapatibay sa kanilang pangmatagalang pangako sa mga programang nakatuon sa edukasyon, kabuhayan at pagpapaunlad ng komunidad.
- Latest



















