^

Police Metro

Pagsirit sa presyo ng petrolyo, nakaamba!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pagsirit sa presyo ng petrolyo, nakaamba!
A worker fills up a container with fuel at a gas station in Quezon City, suburban Manila .
AFP/Jam Sta Rosa

Dahil sa tensyon sa Red Sea

MANILA, Philippines — Posibleng muling sumirit ang presyo ng gasolina at diesel kung magpapatuloy ang ten­syon sa pagitan ng Houthi movement ng Yemen at Saudi Arabia sa Red Sea, ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, nitong Biyernes.

Gayunman, nilinaw ni Abad na wala pa namang actual damage na napapaulat sa Petroline o East-West oil pipeline ng Saudi Arabia subalit kung mangyayari ito ay maapektuhan ang biyahe ng humigit-kumulang 6-7 milyong bariles ng krudo.

“Ngayon, nakabalik lang tayo sa P80 to P90 range at itong sustained na pangamba, ay hindi nalang ito sa Strait of Hormuz. Meron ka­sing emerging ngayon na pangamba, tumatalon na dito sa Red Sea,” pahayag ni Abad sa Super Radyo dzBB .

Pangamba ni Abad, sa sandalling magkaroon ng damage sa oil pipeline ay maaaring lumagpas sa P80 hanggang P90, o mas tataas pa ang presyo.

Batay sa mga ulat, sinabi ni Yemeni Foreign Minister-designate Afrah Al-Zouba na ginagaya ng Houthi sa Red Sea ang diskarte ng Iran sa Strait of Hormuz, na pagharang din sa mga barkong  sa Bab el-Mandeb.

Sa Red Sea ngayon nagpapaputok na ng missile at drone ang Houthi laban sa Saudi Arabia at nagdeklara pa ng bloc­kade sa mga barko ng Saudi. Gumaganti naman ang Saudi Arabia ng airstrikes laban sa mga pasilidad ng Houthi.

Ayon sa DOE, may sapat pang suplay ng langis sa bansa na tatagal ng 45 araw.

PETROLYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with